Saturday, November 29, 2025

Taas-kamao

TAAS-KAMAO

nagpupugay ako sa lahat ng dadalo
sa pagkilos ng masa sa Nobyembre Trenta
laban sa mga kurakot na pulitiko
masa'y lumahok man sa Luneta o Edsa

tungong pangarap na lipunang makatao
tungong pangarap na mabago ang sistema
na mawalâ ang mga buktot sa gobyerno
na mawalâ ang mismong kurakot talaga

pagsaludo, taas-kamaong pagpupugay
dahil nagpapatuloy ang ningas ng galit
ng masa, huwag itong hayaang mamatay
dahil ginawa sa bansa'y napakalupit

dapat mapanagot ang mga walanghiyâ!
sigaw natin: ikulong lahat ng kurakot!
lalo't trapo't dinastiya'y kasumpa-sumpâ
tiyaking mga sangkot ay di makalusot

- gregoriovbituinjr.
11.29.2025

No comments:

Post a Comment

Konsehal, kinasuhan ng kapwa konsehal

KONSEHAL, KINASUHAN NG KAPWA KONSEHAL (Tulâ batay sa balità sa pahayagang Bulgar, isyu ng DIsyembre 17, 2025, tampok na balita, at ulat sa p...