NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS
sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala
kada Bagong Taon, kaytitinding paputok
nasabugan, may mga daliring nawala
sino bang sa ganitong isyu nakatutok?
dapat nang ang ganitong sistema'y matigil
may ginagawa na ba ang pamahalaan?
na pagpapaputok ay tuluyang mapigil?
mabawasan, kundi man, wala nang masaktan?
may isang lalaking nasabugan ng kwitis
na ayon sa ulat ay agad na namatay
matinding pinsala ang tinamong mabilis
sa ganyang kalagayan, ikaw ba'y palagay?
anong gagawin upang di mangyaring muli?
at maiwasto ang ganyang pagkakamali?
- gregoriovbituinjr.
01.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Pang-Masa, 6 Enero 2025, tampok na balita sa pahina 1 at 2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Pagpapa-riso ng polyeto
PAGPAPA-RISO NG POLYETO minsan, kailangan ding bumunot sa bulsa pag naubusan na ng pamigay sa masa upang ipagpatuloy ang pangangampanya sa k...

-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
-
MAKIISA SA LABAN NG TSUPER NG UP COMMUNITY upang magpagawa ng dyaryong Taliba'y nagtungong UP mula Cubao-Philcoa, sumakay ng dyip biyahe...
-
NAIS KO'Y KALAYAAN nais ko'y kalayaan ng bayan, uri't masa laban sa kaapihan at pagsasamantala ng kuhila, gahaman at tiwaling bu...
No comments:
Post a Comment