Sunday, November 10, 2024

Salà ng ina

SALÀ NG INA

ano kayang klase siyang ina?
na binugaw ang apat na anak
na edad dalawa, apat, anim
at panganay na labingdalawa

paglabag na iyon sa OSAEC
o batas na Online Sexual Abuse
and Exploitation of Children, bakit
niya nagawa'y salang kaylupit 

sadyang kawawa ang mga bata 
sa nakagugulat na balita 
sa hirap ng buhay, ang nagawa
ng ina'y krimen, kaytinding salà

paano pag anak na'y lumaki?
sila kaya sa ina'y kakampi?
ang ina ba nila'y masisisi?
o salang ito'y isasantabi

- gregoriovbituinjr.
11.10.2024

* ulat mula sa pahayagang Bulgar, 11.10.2024, p.2

No comments:

Post a Comment

Konsehal, kinasuhan ng kapwa konsehal

KONSEHAL, KINASUHAN NG KAPWA KONSEHAL (Tulâ batay sa balità sa pahayagang Bulgar, isyu ng DIsyembre 17, 2025, tampok na balita, at ulat sa p...