Saturday, September 7, 2024

Nais ko'y kalayaan

NAIS KO'Y KALAYAAN

nais ko'y kalayaan
ng bayan, uri't masa
laban sa kaapihan
at pagsasamantala
ng kuhila, gahaman
at tiwaling burgesya
ang aming panawagan:
baguhin ang sistema

aming pinapangarap
ang paglaya ng tao
laban sa pagpapanggap
ng dinastiya't trapo
pinairal nang ganap
negosyo, di serbisyo
silang di nililingap
ang dalita't obrero

nais ko'y kalayaan
ng uring manggagawa
palayain ang bayan
lalo ang mga dukha

- gregoriovbituinjr.
09.07.2024

No comments:

Post a Comment

Walang pag-aari

WALANG PAG-AARI pribadong pag-aari ang ugat ng kahirapan at isa iyang katotohanang matutuklasan pag pinag-aralan ang ekonomya at lipunan kat...