ALAY NA TULA SA WEALTH TAX ASSEMBLY
O, dukha't manggagawa, / tara nang magkaisa
sama-samang baguhin / ang bulok na sistema
para sa karapata't / panlipunang hustisya
at sa kinabukasan / ng mayorya, ng masa
di tayo sawsaw-suka / na winawalanghiya
ng mga naghaharing / elitista’t kuhila
di hanggang ayuda lang / ang mga maralita
kundi may dignidad din / kahit na tayo'y dukha
ating ipaglalaban / kapwa natin kauri
laban sa mga trapo’t / burgesyang naghahari
wealth tax ay pairalin / pag tayo na'y nagwagi
sa trapo't elitistang / di dapat manatili
sulong, mga kasama / tungo sa rebolusyon
ng dukha’t manggagawang / may makauring misyon
sa lipunang pangarap / isip nati'y ituon
at sama-sama nating / kamtin ang nilalayon
- gregoriovbituinjr.
06.29.2024
* binasa ng makatang gala sa pagtatapos ng kanyang pagtalakay sa paksang "Wealth Tax at Maralita" sa Wealth Tax Assembly na ginanap sa UP Integrated School, Hunyo 29, 2024
* ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Asian People's Movement on Debt and Development (APMDD)
No comments:
Post a Comment