PAG-INGATAN ANG SUNOG
minsan, nag-aapoy ang pandama
na para bagang nilalagnat ka
o kaya'y libog na libog ka na
init na init ka na talaga
huwag kang maglalaro ng apoy
bilin ni nanay nang ako'y totoy
lalo't kandila'y nangunguluntoy
tubig ay ihanda mong isaboy
karaniwan ang sunog sa atin
ulat nga'y di ka na gugulatin
balita sa dyaryo kung basahin
ay sadyang masakit sa damdamin
sa paligid mo'y maging matunog
alisto nang puso'y di madurog
huwag mong kayaang magkasunog
kundi baka araw mo'y lumubog
- gregoriovbituinjr.
03.29.2024
* litrato mula sa app game na Word Connect
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sa muling pagninilay
SA MULING PAGNINILAY mabuti nang tumumba't mamatay kaysa wala nang silbi sa buhay sa isip ko'y gumugulong tunay itong gulong na plat...

-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
-
18-DAYS CAMPAIGN ON WOMEN AND SOCIAL JUSTICE Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapa...
-
ANG ABRIL BILANG BUWAN NG PANITIKAN Abril ay itinalagang Buwan ng Panitikan na kay Balagtas ay buwan din ng kapanganakan isang araw bago ito...
No comments:
Post a Comment