PABAHAY AT TRABAHO, HINDI CHACHA
kayganda't pinaghirapang sining
sa plakard na ina'y humihiyaw
doon ay talagang idinrowing
ang hiling nila't isinisigaw
payak na panawagan ng ina
at nakikinig ang kabataan
trabaho't pabahay, hindi ChaCha
dapat unahin para sa bayan
ChaCha ay kapritso lang ng trapo
na gustong mabago'y Konstitusyon
aariing sandaang porsyento
ng dayo ang lupa't term extension
trapo'y walang inisip sa bansa
kundi lumawig lamang ang hanay
ayaw gawin ang asam ng dukha
na trahaho muna at pabahay
trapo'y ChaCha ang nais sayawin
nang sa kapangyariha'y tumagal
binabalewala'y bayan natin
na inihuhulog sa imburnal
- gregoriovbituinjr.
03.12.2024
* litratong kuha ng makatang gala noong Araw ng Kababaihan 2024
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tutulan ang imperyalistang giyera!
TUTULAN ANG IMPERYALISTANG GIYERA! bakit natin dapat tutulan ang digmaang bunsod ng katakawan sa kapangyarihan na hangad manakop ng ibang ka...
-
COAL AT KORAPSYON, WAKASAN! kaylinaw ng sigaw / nitong mamamayan na "coal at korapsyon, / wakasan! wakasan!" sapagkat pahirap / s...
-
PANDESAL SA BUKANGLIWAYWAY naalimpungatan / ng madaling araw ayaw pang bumangon, / ramdam pa ang ginaw tila ba nasilaw / nang buksan ang ila...
-
Black Friday Protest, PPM and Edsa Shrine, 10.31.2025 huling araw na ng Oktubre bukas ay buwan na ng Nobyembre aba'y wala pa ring nakuku...

No comments:
Post a Comment