"KARAHASAN, WAKASAN!" - ORIANG
"Karahasan, Wakasan!" ang panawagan ng Oriang
sa plakard na bitbit ay malinaw na makikita
ito'y mensaheng sa puso't diwa'y dapat malinang
nang karapata'y maipaglaban natin at nila
sadyang dapat wakasan ang anumang pandarahas
sa kababaihang kalarawan ng ating nanay
kaya dapat matayo ang isang lipunang patas
nagpapakatao't palakad ay sistemang pantay
iyon ay napapanahong mensaheng hindi kapos
kundi pangungusap na palaban, tagos sa diwa
na nananawagang tapusin ang pambubusabos
sa kababaihan, sa bata, dukha't manggagawa
mensahe iyong taaskamao nating yakapin
patuloy na mag-organisa, masa'y pakilusin
- gregoriovbituinjr.
03.10.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa Araw ng Kababaihan, Marso 8, 2024, sa Morayta, Maynila
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Narinig lang po
NARINIG LANG PO minsan, narinig kong isang kasama'y nagsalitâ: "Bantayan n'yo si Greg, pagkat mga isyu ng dukhâ at lipuna...
-
COAL AT KORAPSYON, WAKASAN! kaylinaw ng sigaw / nitong mamamayan na "coal at korapsyon, / wakasan! wakasan!" sapagkat pahirap / s...
-
MGA GURÔ ANG NASA HEADLINE NGAYON pawang mga gurô ang headline ngayong araw sa dalawang diyaryo, gurong dapat tanglaw magkaibang balitang ka...
-
LABANAN ANG KATIWALIAN! katiwalian ba'y paano lalabanan? ng mga wala naman sa kapangyarihan ng mga ordinaryong tao, mamamayan ng kagaya ...

No comments:
Post a Comment