4PH SA KALBARYONG KURUS
sakto ang nakalagay sa kurus
na dukha'y nililinlang nang lubos
4PH nilang alok ay peke
ito'y para sa kapitalista
at hindi para sa maralita
huwag ibatay sa market value
ang pabahay na alok na ito
ibatay sa capacity to pay
o capacity to buy ng dukha
ang presyo ng bahay ng dalita
- gregoriovbituinjr.
03.27.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa Kalbaryo ng Maralita sa Morayta, Maynila, umaga ng Marso 26, 2024
* kurus at hindi krus ang pagsulat ng mga makata noon, tulad nina Jose Corazon de Jesus, Ildefonso Santos
No comments:
Post a Comment