3 ENDANGERED SPECIES, NASAGIP SA QUEZON
mabuti't nasagip ang tatlong endangered species
nakitang pawikan sa aplaya ng Tayabas Bay
olive ridley sea turtle sa Barangay Dalahican
ang Eastern Grass Owl sa Awasan, Tabang, Tagkawayan
endangered species dahil sila na'y nanganganib
mawala dahil kaunti na lang sila sa liblib
ang extinction nila'y baka di na natin malirip
mabuti't ngayon pa lang, ispesyi nila'y nasagip
nasabing pawikan ay may tatlumpung kilong bigat
pagong ay animnapu't walong sentimetrong sukat
ang kuwago naman sa Sitio Awasan nasipat
ngayo'y ibinalik sa natural nilang habitat
maraming salamat sa nakasagip sa kanila
ibig sabihin, daigdig pa rin ay may pag-asa
- gregoriovbituinjr.
03.10.2024
* balita mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 9, 2024, pahina 9
No comments:
Post a Comment