Thursday, February 1, 2024

Be honest, kahit nasa dyip

BE HONEST, KAHIT NASA DYIP

sa nasakyan kong dyip kanina
ay katapatan ang tema:
"kalimutan na ang lahat
huwag lang ang bayad"
"barya lang po sa umaga"
"pakiabot po ang bayad"
"always be honest"
di ba? kaygaganda ng tema

sa isa namang dyip kahapon:
"god knows JUDAS not pay?"
kaya magbayad ng pamasahe
huwag mong subukang mag-1-2-3
alang-alang sa mga tsuper
na may binubuhay ding pamilya
tulad mo, be honest!
salamat, mamang tsuper, sa paalala

- gregoriovbituinjr.
02.01.2024

No comments:

Post a Comment

Tiyuhin pa ang nanggahasa

TIYUHIN PA ANG NANGGAHASA di lang libog kundi mental problem? kaya ni-reyp ang tatlong pamangkin o marahil nakadroga man din sa bawal na gam...