HINA, HINALA, HINALAY
aba'y grabe ang balitang iyon
dalagang labingsiyam na taon
yaong "hinihinalang hinalay
itinali sa puno, pinatay"
sinamantala ang kahinaan
ng mutyang marahil walang muwang
na mangyayari iyon sa kanya
gayong pupuntahan ay pagsamba
bakit kaya ang dalagang iyon
ay pinaslang ng pagayon-gayon
sinumang gumawa'y walang budhi
sa mundo'y di dapat manatili
dapat ang salarin na'y madakip
ang kanyang mundo na'y sumisikip
tiyak, nagmamahal sa biktima
ngayo'y humihiyaw ng hustisya!
- gregoriovbituinjr.
06.21.2023
* ulat at larawan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hunyo 20, 2023
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Konsehal, kinasuhan ng kapwa konsehal
KONSEHAL, KINASUHAN NG KAPWA KONSEHAL (Tulâ batay sa balità sa pahayagang Bulgar, isyu ng DIsyembre 17, 2025, tampok na balita, at ulat sa p...
-
COAL AT KORAPSYON, WAKASAN! kaylinaw ng sigaw / nitong mamamayan na "coal at korapsyon, / wakasan! wakasan!" sapagkat pahirap / s...
-
SA ARAW NG KALAYAAN ang Araw ng Kalayaa n sa atin ay pamana ng mga ninunong kilala at hindi kilala, ng mga bayaning dinarakila sa tuwina, d...
-
DPWH - Departamento ng Puro Walang Hiya napakasakit na nilalamon tayo ng baha dahil sa Departamento ng Puro Walang Hiya ika nga ng mga napan...

No comments:
Post a Comment