Sunday, February 6, 2022

Konting tulong sa mga drayber

KONTING TULONG SA MGA DRAYBER

gutom ang idinulot ng pandemya
sa mga drayber na namamasada
konting tulong ang hinihingi nila
lalo't bihira naman ang ayuda

upang sa araw-araw mairaos
yaong buhay nilang kalunos-lunos
sila'y di makapamasadang lubos
kaya sa pamilya'y walang pangtustos

konting barya lang sa tabo ilagay
anumang kaya ay ating ibigay
kabutihang loob na lang ang alay
sa tulad nilang di na mapalagay

tulungan natin silang di sumuko
sa konti mang pag-asa'y di mabigo
punuin natin ang kanilang tabo
ng mga barya o kahit na buo

- gregoriovbituinjr.
02.07.2022

* litratong kuha ng makatang gala sa Katipunan at Balara malapit sa UP gate

No comments:

Post a Comment

Fr. Rudy Romano, desaparesido

FR. RUDY ROMANO, DESAPARESIDO isang pari, desaparesido pangalan: Fr. Rudy Romano nawala, apat na dekada na pagkat dinukot umano siya nawala ...