Saturday, November 6, 2021

Tunggalian

TUNGGALIAN

boksingero kang mahusay
ang madla'y di magkamayaw
nang mapalaban kang tunay
sa katunggaling bakulaw

nakamtan mo ang tagumpay
umuwing pasayaw-sayaw
pulos gastos, pulos tagay
naaksaya'y angaw-angaw

hanggang di ka napalagay
sa pangyayaring lumitaw
lumabas ka lang ng bahay
nang likod mo ay hinataw

namumula na ang latay
gumanti ka't di umayaw
nasaktan na'y di umaray
tuloy pa rin sa paggalaw

sumugod ba'y anong pakay?
inggit ba o pagnanakaw?
bakit ka sinaktang tunay?
ah, ramdam mo'y natutunaw

nang sa banig naparatay
pamilya'y napapalahaw
ramdam mo na'y nasa hukay
tila mundo mo'y nagunaw

- gregoriovbituinjr.
11.07.2021

No comments:

Post a Comment

Sa ika-128 anibersaryo ng pagpaslang sa Supremo

SA IKA-128 ANIBERSARYO NG PAGPASLANG SA SUPREMO pag-alala sa kamatayan ng  Supremo at ating bayaning  Gat Andres Bonifacio kasama ng kapatid...