PAGKANSELA AT HINDI
sigaw ng dukha: "Itigil ang kanselasyon
ng kontrata sa pabahay at relokasyon!"
sigaw ng isa pa: "Dapat na'y kanselasyon
ng ilehitimong utang ng bansa ngayon!"
dalawang panawagan, magkaibang isyu
na dapat maunawaan nating totoo
isa'y may bantang ebiksyon sa mga tao
isa'y ang pambansang utang na lumolobo
dalawang isyung dapat nating mapagnilay
na kinabukasan ang tatamaang tunay
isa'y hinggil sa karapatan sa pabahay
isa nama'y hinggil sa pabigat sa buhay
panawagang dapat tayong makibahagi
kundi'y walang bahay at bansa'y malulugi
tulungan ang mga dukhang maduduhagi
ilehitimong utang ng bansa'y mapawi
- gregoriovbituinjr.
08.11.2021
* litratong kuha ng makatang gala noong SONA 2021
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Salà ng ina
SALÀ NG INA ano kayang klase siyang ina? na binugaw ang apat na anak na edad dalawa, apat, anim at panganay na labingdalawa paglabag na iyon...
-
MAKIISA SA LABAN NG TSUPER NG UP COMMUNITY upang magpagawa ng dyaryong Taliba'y nagtungong UP mula Cubao-Philcoa, sumakay ng dyip biyahe...
-
KAYRAMING MAKA-DIYOS ANG DI MAKATAO mas nais kong magsulat kaysa sundin sila sa tradisyon nila tuwing semana santa tangi kong nagawa'y m...
-
PAANO BA TATAPUSIN ANG KWENTO? Munting sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Kailangan bang matapos agad ang kwento? Iyan ang tanong ko minsan,...
No comments:
Post a Comment