Friday, May 21, 2021

Mag-ingay laban sa karahasan

MAG-INGAY LABAN SA KARAHASAN

mag-ingay laban
sa karahasan
at ipaglaban
ang karapatan

walang due process
naghihinagpis
ang ina't misis
na nagtitiis

krimen ang tokhang
na pamamaslang
na karaniwang
dukha'y timbuwang

dapat managot
yaong may-utos
at mga hayop
na nagsisunod

mahal sa buhay
yaong pinatay
hustisya'y sigaw
ng mga nanay

- gregoriovbituinjr.

* kuha sa pagkilos sa Black Friday laban sa EJK

No comments:

Post a Comment

Bata, namatay sa tuli

BATA, NAMATAY SA TULI kaytindi ng balitang nabasa: "Edad sampu, nagpatuli, patay" ano? bakit? anong nangyari ba? sa lying-in agad ...